Maynila at Washington lumagda sa isang kasunduan upang i-develop ang nuclear workforce ng Pilipinas
Nagkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na i-train ang mga Pilipino, kung paano magtayo at magpatakbo ng nuclear power plants dahil layon ng bansa na palakasin ang suplay ng kuryente nito.
Ang anunsyo ay ginawa matapos na ang Manila at Washington ay gumawa ng isang kasunduan sa kooperasyong nukleyar noong Nobyembre, na nagbigay-daan para sa pamumuhunan ng US upang simulan ang atomic power sa Pilipinas.
Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan ngayong Martes, ang Philippine Department of Energy at ang Philippine-American Educational Foundation, ay mag-aalok ng scholarships at exchange programs para sa mga Pilipino upang pag-aralan ang tungkol sa civil nuclear power at renewable energy.
Sinabi ni Daniel Kritenbrink, US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs, “This will help the Philippines develop the skilled workforce needed to build a clean energy infrastructure, including the ability to operate state of the art nuclear power plants.”
Ayon naman kay Philippine Energy Secretary Raphael Lotilla, “The ‘advanced training’ will ensure the country has the ‘human resources that are needed’ for the sector.”
Nagpahiwatig ng determinasyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na gamitin ang nuclear power sa bansa at maging ang posibilidad na buhayin ang hindi na ginagamit na planta na nagkakahalaga ng $2.2 bilyon, na itinayo sa panahon ng panunungkulan ng kaniyang ama.
Plano rin ng Estadios Unidos na bumuo ng isang civil nuclear industry working group para sa Southeast Asia na nakabase sa Maynila.
Sinabi ni Kritenbrink, “The group will ‘connect Philippine partners with US companies,’ helping to ‘accelerate the Philippines transition’ to clean and safe nuclear energy.”
Ang Pilipinas na regular na naaapektuhan ng electricity outages, ay umaasa sa imported carbon-belching coal para sa higit sa kalahati ng power generation nito.
Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na gastusin sa enerhiya sa rehiyon at nahaharap pa sa isang nagbabantang krisis dahil ang Malampaya gas field, na nagsu-suplay ng humigit-kumulang 40 porsiyento ng kuryente sa Luzon, ang pangunahing isla sa bansa, ay inaasahang matutuyo na sa loob ng ilang taon.
Bilang bahagi ng kaniyang climate goals, target ng Pilipinas ang renewable energy, hindi kasama ang including nuclear, upang punan ang 50 porsiyento ng power generation nito pagdating ng 2040.