Maynila niyanig ng 5.2 magnitude na lindol
Isang magnitude 5.2 na lindol ang nagpauga sa mga gusali sa Maynila nitong Biyernes.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang mababaw na lindol ay tumama may 100 kilometro (62 milya) sa timog ng Maynila, kaninang alas-8:24 ng umaga.
Sinabi ni Rafael Cuevas, isang disaster agency official sa Calaca city sa lalawigan ng Batangas, “So far okay naman ang lahat. Walang nasawi bagama’t ito ang sentro ng lindol. Naramdaman namin ang malakas na pag-uga, nang wala pang 10 segundo.”
Sabi naman ni Mabini municipality disaster chief Arnold Panopio said, “Nung una ay mahina lamang pagkatapos ay lumakas at biglang huminto.”
Ayon kay Panopio, wala namang napaulat na casualties o damage, pero isang local high school na may humigit-kumulang 2,000 mga mag-aaral ang nagsuspinde ng klase bilang pag-iingat.
Students gather outdoors after evacuating from their school building in Manila on October 13, 2023, after a magnitude 5.2 earthquake struck about 100 kilometres (62 miles) south of the Philippine capital. (Photo by JAM STA ROSA / AFP)
Sa Maynila, ang mga estudyante na nakasuot ng hard hats at office workers ay lumabas at nagtipo sa labas ng mga gusali, at hinintay na maging ligtas na ang lahat bago bumalik sa loob.
Ang mga lindol ay isang pang-araw-araw na pangyayari sa Pilipinas, na matatagpuan sa kahabaan ng Pacific “Ring of Fire,” isang arko ng matinding seismic pati na rin ang aktibidad ng bulkan na umaabot mula sa Japan hanggang Southeast Asia at sa buong Pacific basin.