Mayon Volcano itinaas sa alert level 3 – PHIVOLCS
Itinaas na sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon.
Sa panayam ng programang Kapitbahay, sinabi ni Director Teresito Bacolcol ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na alas-dose kaninang tanghali nang itaas ang alerto sa Mayon.
Bunsod aniya ito ng nasumpungang aktibidad ng bulkan na nagpapahiwatig ng mataas na tsansa para sa mapanganib na pagsabog ng bulkan.
“Kaninang 12nn we raised the alert level sa Mayon Volcano from alert level 2 to alert level 3, alert level 2 means there is an increasing unrest, alert level 3 is increased tendency towards a hazardous eruption, because from 5:00 a.m. yesterday until 5:00 a.m. today, we recorded 98 rockfall events, which is higher than the 46 rockfall events that we detected from morning of June 6 to morning of June 7,” paliwanag ni Director Bacolcol.
“Hindi lang yan, this morning we observe 3 pyroclastic density current (PDC) events sa Mayon… itong pyroclastic density current, ito yung dati nating tinatawag na pyroclastic flows, which is devastating volcanic phenomenon, fast moving poi to, mixture ng hot volcanic gasses and rock fragments that would cascade sa slope ng bulkan, nakita natin duon sa summit,” dagdag na paliwanag pa ng PHIVOLCS chief.
Dahil sa pangamba na magkaroon ng mapanganib na pagsabog ang bulkan, inirekomenda ng PHIVOLCS ang paglilikas ng mga residente sa mga barangay na sakop ng 6-kilometer permanent danger zone (PDZ)
Gayundin, pinapa-iwas ng PHIVOLCS ang mga eroplano na lumipad malapit sa bulkan.
“We recommend that the 6-km danger zone, yung mga nakatira dun be evacuated, kailangan i-evacuate sila due to the danger of pyroclastic density current, pwede ring magkaroon ng lava flows, rock falls and other volcanic hazards,” babala pa ni Director Bacolcol.
“We also advise yung mga civil aviation authorities na huwag munang lumipad very close to the volcano summit, pwede kasing magkaroon ng sudden eruption and yung ash would be hazardous to aircraft,” dagdag pa ni PHIVOLCS chief.
Weng dela Fuente