Mayon Volcano nakapagtala ng 98 rockfall events – PHIVOLCS
Nakapagtala ng 98 rockfall events ang Mayon Volcano sa nakalipas na 24-oras.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) doble ang naitalang rockfall events sa Mayon kumpara sa naitalang 46 sa pagitan ng June 6 at 7.
Nagbuga rin ang bulkan ng nasa 332 tons/day na sulfur dioxide emission na mas kaunti naman sa 570 tons/day na naitala nang sinundang araw.
Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa tumaas na insidente ng rockfall.
Patuloy na pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na umiwas sa paligid ng bulkan dahil sa kasalukuyang sitwasyon na dulot ng shallow magmatic processes na maaaring magbunsod sa phreatic eruptions.
Istrikto ring ipinaiiral ang pagbabawal na pasukin ang 6 kilometer-radius permanent danger zone upang maiwasan ang pinsala sakaling magkaroon ng pagputok, rockfalls, at landslides.
Weng dela Fuente