Mayor Aguilar at Vice Mayor Nery ng Las Piñas, naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy sa COMELEC
Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Mayor Imelda “Mel” Aguilar kaninang umaga, sa tanggapan ng COMELEC Las Piñas.
Tinanggap ito ni COMELEC Officer Jehan Marohambsar.
Kasama ni Aguilar ang anak na si April Aguilar-Nery na nag sumite na rin ng kanyang COC para sa muling pagtakbo bilang Vice Mayor ng lungsod, para sa kanyang ikalawang termino sa darating na halalan sa May 2022.
Ito naman ang magiging ikatlo at huling termino na ng panunungkulan bilang Mayor ng lungsod ni Aguilar, kung sya ay muling papalarin na manalo sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).
Kasunod namang naghain ng kanilang COC ang mga tatakbong konsehal, kung saan anim dito ay para sa District 1, at anim din para sa District 2.
Sinabi ni Aguilar, na makaaasa ang mga taga Las Piñas, ng patuloy na serbisyo publiko at kanilang gagawin ang lahat upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang sa ito ay maging Covid-free na.
Samantala, nagpasalamat naman si Vice Mayor April Aguilar -Nery sa mga taga Las Piñas, na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanilang pamilya.
Aniya, kanilang ipagpapatuloy ang maayos at tuloy-tuloy na serbisyo para sa kanilang mga kababayan, at muling mabuksan at mapalakas ang ekonomiya ng siyudad.
George Gonzaga