Mayor ng Malabang, Lanao del Sur personal na nagpunta sa opisina ng Comelec

Personal na nagpunta sa Punong Tanggapan ng Comelec sa Maynila ang Mayor ng Malabang, Lanao del Sur na si Alinader Balindong para magpaliwanag.

May kaugnayan ito sa ibinigay na show cause order ng Comelec laban kay Balindong.

May kaugnayan ito sa insidente ng indiscriminate firing sa Malabang noong panahon ng filing ng certificate of candidacy.

Ang mga nagpaputok ng baril sinasabing tauhan umano ng Alkalde.

Pero giit ni Balindong, wala umano siyang kinalaman rito at hindi nagtatrabaho sa kanya ang mga nasabing lalaki na nagpaputok ng baril.

Pinabulaanan din niya na may mga pinigilan sila na nais kumandidato bilang Barangay Chairman.

Ang mga indibidwal na nakuhanang nagpapaputok ng baril, una ng sumuko sa mga awtoridad.

Una ng sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na dahil sa insidente hihikayatin niya ang kanyang mga kasamahan sa En Banc na ilagay sa ilalim ng Comelec control ang bayan ng Malabang sa darating na halalan.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *