Mayor Sarah Duterte, naghain na ng kandidatura para tumakbong VP sa 2022 elections
Naghain na ng kaniyang kandidatura sa pagka-Bise-Presidente sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) si Davao city Mayor Sarah Duterte.
Pinalitan ni Mayor Inday Sarah ang naunang pambato ng partido sa Vice-Presidential race na si Lyle Uy.
Naghain para sa kandidatura ng alkalde si Atty. Charo Munsayac.
Matatandaang umanib ang alkalde sa partido Lakas-CMD matapos bawiin nito ang kaniyang re-election bid sa pagka-alkalde ng Davao city.
Please follow and like us: