Mayorya sa house maaaring makuha pa rin ng Republicans
Tinaya ng Data provider na Decision Desk HQ, na ang majority wins ng Republican Party ni President-elect Donald Trump sa U.S. House of Representative, ay magiging senyales na maaaring makuha rin ng Republicans ang mayorya sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Subalit wala pang pagtaya ang Edison Research tungkol sa House control. Tinaya lamang nito na makukuha ng Republicans ang hindi bababa sa 215 puwesto, habang ang Democrats ay hindi bababa sa 206. Samantala, hindi pa tapos ang labanan sa nalalabing 14 na puwesto. Ang pinakamaliit na House majority ay 218.
Na-secure na ng Republicans ang U.S. Senate majority na hindi bababa sa 52-46, batay sa pagtaya ng Edison Research.
Sa una niyang presidential term mula 2017 hanggang 2021, ang pinakamalaking achievement ni Trump ay ang tax cuts na nakatakda nang magpaso sa susunod na taon.
Ang nabanggit na batas at ang signature $1 trillion infrastructure law ng Democratic President na si Joe Biden, ay kapwa nabuo nang kontrolado pa ng kanilang mga partido ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Kabaligtaran naman nito, sa nakalipas na dalawang taon ng divided government, si Biden ay mayroon lamang maliit na tagumpay sa pagpapasa ng batas, kaya nahirapan ang Kongreso na tuparin ang pinakapangunahing tungkulin nito na magkaloob ng kinakailangang pondo upang panatilihing bukas (open) ang gobyerno.