Media workers, kasama na sa A4 priority list ng mga mababakunahan kontra Covid-19
Isasama na rin ang mga media workers sa priority lists ng mga mababakunahan.
Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, nakausap niya na si National Economic Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Chua at tiniyak na ire revise ang listahan para mapasama ang media sa A4.
Itinuturing rin kasi aniya ang media bilang mga frontliners at delikado rin ang trabaho.
Sa listahan ng NEDA, kabilang sa mga nasa priority list na mabakunahan ang mga sumusunod:
A4.1 tulad ng mga Commuter Transport nasa land air sea at logistics
A4.2 – Frontline Government workers sa Hudikatura, Security, Transport at Social Protection sectors
A4.3 – Public and Private wet and dry market vendor
Frontline o mga mangagawa sa mga groceries, supermarkets
Delivery services A4.4 – Mangagawa sa manufacturing ng pagkain, beverage, medical at pharmaceutical products
A4.5 – Frontline workers in food retail, including food service delivery
A4.6 – Frontline government workers
A4.7 – Frontline workers in Financial Services
Meanne Corvera