Medics sa Morocco, nakikipag-unahan na sa oras
Nababawasan na ang pag-asang makakita pa ng dagdag na survivors sa ilalim ng mga guho, habang tuloy-tuloy naman ang pag-aasikaso ng medics sa mga casualty ng pinakamalakas na lindol na tumama sa Morocco na ikinasawi ng higit sa 2,800 katao.
Ang mga rescuer na suportado ng foreign teams ay nakikipag-unahan sa oras upang mahanap ang mga nabubuhay pa, makaraang wasakin ng 6.8-magnitude na lindol ang mga village sa Atlas nitong weekend.
Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa North African country, mula nang wasakin ng isang lindol noong 1960 ang Agadir, na ikinasawi ng libu-libong katao.
Moroccan rescuers backed by teams from Spain, Britain, Qatar and the United Arab Emirates are now up against the clock / BULENT KILIC / AFP
Ang sentro ng lindol na tumama sa kalaliman ng gabi noong Biyernes ay ang Al-Haouz province, sa timog-kanluran ng tourist hub ng Marrakesh. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, karamihan sa mga biktimang namatay ay mula sa Al-Haouz.
Sa kabuuan, hindi bababa sa 2,862 katao ang nasawi at higit sa 2,500 ang nasaktan sa trahedya ayon sa opisyal na bilang.
Nakikipaghabulan ngayon sa oras ang Moroccan rescuers kasama ng teams mula sa Spain, Britain, Qatar at United Arab Emirates.
Sinabi ni Annika Coll na siyang namumuno sa Spanish team sa komunidad ng Talat Nyacoub, “The big difficulty is in zones remote and difficult to access, like here, but the injured are choppered out.”
The earthquake wiped out entire villages in the Atlas foothills / FADEL SENNA / AFP
Halos 70 kilometro (40 milya) sa hilaga, isa pang Spanish team mula sa Military Emergencies Unit (UME) ang nagtayo ng kampo noong Linggo sa dulo ng Amizmiz village.
Nitong Lunes ay nagbabala si Albert Vasquez, ang communications officer ng Spanish unit, “It’s very difficult to find people alive after three days but ‘hope’ is still there.”
Noong Linggo ay inanunsiyo ng Rabat, kapitolyo ng Morocco, na tinanggap nito ang alok mula sa Britain, Qatar, UAE at maging ng Spain, na magpadala ng search and rescue teams.
Maraming iba pang mga bansa ang nag-alok din ng tulong.
Nitong Lunes ay sinabi ng Madrid na magpapadala sila ng reinforcement sa Morocco, sa pamamagitan ng dagdag na limang canine rescue teams na bubuuin ng 31 specialists, 15 search and rescue dogs at 11 mga sasakyan na darating ngayong Martes.
Pinatag ng lindol ang buong nayon sa paanan ng Atlas, kung saan ang civilian rescuers at mga miyembro ng armed forces ng Morocco ay patuloy na naghahanap ng mga nakaligtas at bangkay ng mga biktima.
Morocco quake: most affected regions / Valentin RAKOVSKY, Valentina BRESCHI / AFP
Nagtungo ang mga mamamayan sa mga pagamutan sa Marrakesh at sa iba pang mga lugar upang mag-donate ng dugo, habang ang ibang volunteers ay nag-organisa naman ng food and essential supplies upang tulungan ang mga biktima ng lindol.
Inanunsiyo ng education ministry na ang mga klase ay sinuspinde sa mga nayon ng Al-Haouz province, na pinakamatinding tinamaan ng lindol.
Isang pulong din ang pinangunahan ni Prime Minister Aziz Akhannouch nitong Lunes, kung saan pinag-usapan ang tungkol sa housing at reconstruction sa mga apektadong lugar.
Aniya, “Citizens who have lost their homes will receive compensation, specific details were being decided.”