Medvedev, nakuha ang ika-apat niyang titulo ngayong taon makaraang magwagi sa Miami Open
Nakuha ng Russian na si Daniil Medvedev ang ika-apat niyang ATP title ngayong taon, matapos magwagi laban kay Jannik Sinner ng Italy sa final ng Miami Open.
Tinalo ni Sinner ang world number one at defending champion na si Carlos Alcaraz sa semi-final noong Biyernes, ngunit nahirapan ang 21-anyos laban sa 4th seed na si Medvedev, na nagwagi sa score na 7-5, 6-3.
Ang panalo ang ika-19th career ATP title ni Medvedev, at ika-lima niya sa isang Masters 1000 event, at nagkumpirma sa pagdomina niya sa hard courts ngayong 2023.
Si Sinner, na natalo rin sa Miami final dalawang taon na ang nakalilipas at ngayon ay mayroong 0-6 record laban sa Russian, ay aminadong hindi 100% ang naging performance.
Aniya, “We woke up this morning not at my best, I felt a little bit sick….unfortunately today I couldn’t play at my best. No, it was not that bad. But, you know, with the heat, when you run a lot, it gets a little bit worse and worse. Obviously the first half an hour we played in the sun also.”
Si Medvedev, na nanalo na ng tatlong titulo sa loob ng tatlong linggo sa Rotterdam, Doha at Dubai bago natalo kay Alcaraz sa Indian Wells final, ay nagsimula nang may kumpiyansa.
Ayon sa Russian player, “I’m really happy. Today was a tough match. It was probably the hottest day and the most humid during the day. It was not easy conditions. I don’t know if Jannik had a small injury or cramp. I was also struggling, tried not to show it.’
Ang 19 na panalo ni Medvedev sa ATP Tour ay nagmula sa 19 na magkakaibang events, subalit wala siyang napanalunang Masters 1000 event simula noong 2021 sa Toronto.
Aniya, “I haven’t won’t such a big title in probably a year and a half. At the end I was quite shaky. Not even tight, because I’m not scared to win. But still the hands get a little shaky so the serve is a little bit tougher… I managed to get myself together and close the match.”
Napanalunan na ngayon ng 27-anyos ang lima sa anim na hard-court ATP Masters 1000s, at nakaabot din siya sa final sa parehong hard-court Grand Slams, kung saan napanalunan niya ang 2021 US Open.
© Agence France-Presse