Medvedev umabante na sa Miami Open
Umabante na si Daniil Medvedev sa huling 16 ng Miami Open, sa pamamagitan ng komprehensibong straight-sets triumph laban kay Pedro Martinez ng Espanya.
Ang Russian top seed pa rin ang namamalaging paborito na makuha ang titulo, at ang kaniyang 6-3, 6-4 victory ay kasing linis ng kaniyang tagumpay na nagpatalsik kay Andy Murray sa torneo sa naunang round.
Ang laban ni Martinez at Medvedev ay tumagal ng isang oras at 24 na minuto.
Ayon sa 26-anyos na si Medvedev . . . “I hit 14 aces and felt pretty good , the second set was tight but I managed to stay consistent.”
Sunod na makakaharap ni Medvedev ang 21-anyos na Amerikanong si Jenson Brooksby, matapos nitong talunin si Roberto Bautista Agut.
Si Brooksby ay naging laman ng headlines sa simula ng torneo, nang batuhin niya ng raketa ang isang ball-boy sa unang round na nagresulta sa pagbabayad niya ng multang $15,000.
Ayon kay Brooksby . . . “This is a big learning curve for me. I am definitely the type of player that needs to play with emotion. But as my coach has said I have to work on balancing it better and finding other ways to let out frustration because what happened was unacceptable and I am definitely sorry. I need to learn from what happened. Daniil’s got a very solid game and is obviously in the top two in the world for a reason but the more matches I play on these big stages can only help me.”