Mega Economic Zone, itatayo sa bakanteng lupain ng BuCor sa Palawan
Pagtatayuan ng Economic zones ang ilang lupain na pagmamamay -ari ng Bureau of Corrections (BuCor) .
Ito ay matapos pumirma ang BuCor at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng Memorandum of Understanding (MOU) para matukoy ang mga industriya na puwedeng itayo sa mga bakanteng lupain ng BuCor.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., target na mapagtayuan ng kauna- unahang mega economic zone sa bansa ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Kabilang sa mga industriya na prayoridad na itayo sa Mega Economic Zone ay mga renewable at clean energy gaya ng Solar at Wind energy, Agro processing at Manufacturing.
Tiwala ang PEZA at DOJ na makatutulong ang Economic zones sa BuCor para makahikayat ng mga lokal at dayuhang investor at makalikha ng maraming trabaho sa mga Pilipino kasama na ang PDLs.
Moira Encina