Mega Vaccination Center, binuksan sa Tacloban City
Binuksan na ngayong araw sa Tacloban City, ang Tacloban City Convention Center bilang Mega Vaccination Center, para magamit sa pagbabakuna sa mga residenteng 18 gulang pataas.
Layunin ng lokal na pamahalaan na unti-unting makamit ang herd immunity.
Ang Mega Vaccination Center ay para sa mga walk-ins, kailangan lamang ay may dalang valid ID na inisyu ng gobyerno o di kaya naman ay barangay certificate.
Ayon kay city health office OIC Dr. Gloria Fabrigas, ang Tacloban City Convention Center ang “ideal” na bakuna center dahil kaya nitong i-accomodate ang aabot sa limang libong katao bawat araw, maliban kung Linggo o holiday.
Pahayag ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City, aabot sa 75,000 Taclobans ang maaaring mabakunahan dito bago sumapit ang Nobyembre 15.
Rose Marie Metran