Mekanismo para sa proteksyon ng mga OFWs sa Kuwait, patuloy na umiiral-Malakanyang

Walang dapat na ipag-alala ang mga Overseas Filipino Workers o OFWS sa Kuwait.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque bagamat walang ambassador ang Pilipinas sa Kuwait mayroon namang Charge d’ Affairs na patuloy na tumitingin sa kapakanan ng mga OFWs sa Kuwait.

Ayon kay Roque, pananagutan din ng Kuwaiti government na seguraduhin ang kapakanan ng mga OFWS sa ilalim ng umiiral na intertnational agreement on the protection of migrant workers.

Inihayag ni Roque bagamat minasama ng Kuwaiti government ang mga hakbang na ginawa ng mga embassy officials at personnel sa ginawang rescue operations sa mga distress OFWS patuloy ang diplomatic process para maayos ang gusot.

Binigyang diin ni Roque na magtutungo na sa Kuwait ang isang diplomatic negotiation mission mula sa Pilipinas na naglalayong ayusin ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Niliwanag ni Roque na patuloy na igigiin ng Pilipinas sa Kuwait ang pagkakaroon ng Memorandum of Understanding o MOU para sa kapakanan ng mga OFWS.

Iginiit ni Roque na hanggat walang nalalagdaang MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait mananatili ang deployment bans ng mga OFWS sa Kuwait na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *