Meralco may taas-singil sa kuryente ngayong Marso
Matapos ang dalawang magkasunod na buwan na bawas-singil, magpapatupad naman ang Meralco ng bahagyang dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso.
Ayon sa Meralco, P0.0625 pesos kada kilowatt hour ang itataas ng singil sa kuryente ng mga kabahayan sa March billing ng mga customers.
Dahil dito, ang overall rate ngayong Marso ay nasa P9.6467/kWh mula sa P9.58/kWh noong Pebrero.
Ang pagtaas ay katumbas ng dagdag na P9 kung kumukonsumo ang isang bahay ng 150/kWh, P13 pesos kung 200/ kWh, P19 kung 300/ kWh, P25 pesos kung 400/kWh at P31 kung 500 kWh.
Nilinaw ng kumpanya na mas mataas pa dapat ang generation charge ngayon buwan.
Pero pinakiusapan nila ang mga suppliers na idefer ang singil sa generation costs.
Nagbabala ang Meralco na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay may malaking epekto sa power rate lalo na sa generation cost.
Sinabi ng Meralco na posibleng maramdaman
ang epekto ng pagsipa ng global fuel prices sa singil sa kuryente sa Mayo.
Dahil dito, hinimok ng power distributor ang mga customers na magtipid o maging energy efficient lalo na sa panahon ng taginit kung kailan mas tumataas din ang konsumo sa kuryente.
Moira Encina