Mercedes G-Class SUV na gawa sa mga bloke ng yelo
Sa pakikipagtulungan ng mga locale ice sculptor, binuo ng isang motorista mula sa Novosibirsk City, Russia ang kakaibang Mercedes G-Class SUV mula sa mga bloke ngyelo na ikinabit sa isang metal chassis, at pinatakbo gamit ang isang lumang makina ng sasakyan.
Kamakailan lang ay naging viral si Vladislav Barashenkov, host ng Garage 54 na isang popular na youtube channel na naka-focus sa mga sasakyan dahil sa kaniyang ‘Outrageous but Cool” invention.
Hindi malinaw kung ano ang ginamit ng mga ice sculptor para pagdugtungin ang mga bloke ng clear ice at magsilbing katawan ng Mercedes G-Class luxury SUV.
Ang Ice Mercedes ay pwedeng i-drive sa flat surfaces matapos itong kabitan ni Barashenkov ng isang lumang UAZ 469 military utility vehicle chassis.
Kinabitan rin niya ito ng kulay pulang led lights na lalu pang naging dahilan para makaakit ng atensyon.
===============