Meryl Streep tatanggap ng honorary Palme d’Or sa Cannes
Tatanggap si Meryl Streep ng isang honorary Palme d’Or sa opening ceremony ng Cannes Film Festival sa May 14.
Ang 74-anyos na si Streep, ay isa sa pinakatanyag na aktor sa kasaysayan ng Hollywood, na may record na 21 nominasyon sa Oscar at tatlong panalo.
Ang kaniyang career ay kinapalooban ng modern classics, mula sa mga drama gaya ng “The Deer Hunter,” “Out of Africa” at “Kramer vs Kramer” hanggang sa family favourites tulad ng “The Devil Wears Prada” at “Mamma Mia!.”
Ang nakagugulat, isang beses lang siya nakapunta sa Cannes, kahit nanalo siya bilang pinakamahusay na aktres ng taong iyon para sa “A Cry in the Dark” noong 1989.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Streep, “I am immeasurably honored to receive the news of this prestigious award. To win a prize at Cannes, for the international community of artists has always represented the highest achievement in the art of filmmaking.”
Aniya, “To stand in the shadow of those who have previously been honored is humbling and thrilling in equal part.”
Meryl Streep speaks onstage during the 49th AFI Lifetime Achievement Award Gala Tribute celebrating Nicole Kidman at Dolby Theatre on April 27, 2024 in Hollywood, California. Alberto E. Rodriguez/Getty Images/AFP / Alberto E. Rodriguez / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP
Si Streep ay makakasama sa Hollywood veterans na dadalo sa festival ngayong taon sa French Cote d’Azur, kabilang ang “Star Wars” creator na si George Lucas, na tatanggap din ng isang lifetime achievement award sa closing ceremony.
Ayon sa festival organisers, “Because she has spanned almost 50 years of cinema and embodied countless masterpieces, Meryl Streep is part of our collective imagination, our shared love of cinema.”
Samantala, tatanggap din ng isang honorary Palme d’Or ang legendary Japanese animators na Studio Ghibli. Ito ang unang pagkakataon na ang parangal ay ibibigay sa isang grupo sa halip na sa isang indibidwal.