Message in a bottle na galing Japan, nakita sa Hawaii makalipas ang 37 taon
Natagpuan na sa Hawaii ang isang message in a bottle na ni-release ng Japanese high school students 37 taon na ang nakalilipas.
Sa pagitan ng 1984 at 1985, ay nag-release ng 750 bote sa karagatan ang mga miyembro ng isang natural science club ng Choshi High School sa Chiba, silangan ng Tokyo upang imbestigahan ang ocean currents.
Ang mga bote na naglalaman ng mga mensahe na nakasulat sa wikang Ingles, Japanese at Portuguese na nagsasabi na kontakin ang sender ng sinumang makakita nito, ay umabot hanggang sa Pilipinas, Canada at Alaska.
Subalit wala nang nakita kahit isa mula nang matagpuan ang ika-50 bote noong 2002 sa southwestern Kagoshima Prefecture sa Japan.
Ang ika-51 bote ay nakita ng isang 9 na taong gulang na batang babae sa isang beach sa Hawaii nitong June, at sa loob nito ang postcard-sized messages ay malinaw pang nababasa.
Ayon sa principal ng Choshi High School na si Jun Hayashi . . . “I was really surprised. The 50th bottle was found 19 years ago, so I thought it was finished. I didn’t think any more would be found. I thought they all had sunk.”
Dagdag pa niya . . . “It’s reaaly exciting that the 51st has been found. I was hoping someone will find the 52nd now.”
Pahayag ng eskuwelahan, dalawang student representative ang nagpaplanong padalhan ng sulat at isang miniature flag ang nakakita sa iks-51 bote, na ayon sa Hawaii Tribune Herald ay nagngangalang Abbie Graham.
Sinabi naman ni Mayumi Kondor, isang miyembro ng natural science club noong 1984 . . . “The discovery had revived nostalgic memories. 37 years is a long time for human beings, but on the other hand, it really drives home just how big and mysterious the Earth and nature really are.”