Messi, itinangging political snub ang nasa likod ng Hong Kong no-show
Pinabulaanan ni Lionel Messi na ang hindi niya paglalaro sa isang match sa Hong Kong dalawang linggo na ang nakalilipas na ikinagalit ng China, ay isang political snub kundi dahil sa isang injury.
Ang eight-time Ballon d’Or winner na hinahangaan ng fans sa China ay namalagi lang sa bench sa Inter Miami 4-1 win sa isang pre-season tour match laban sa piniling koponan ng Hong Kong na XI, noong February 4.
Dahil sa nangyari sumigaw ng “boo!” at “refund!” at nagpakita ng thumbs-down kina Messi at sa co-owner ng team na si David Backham, ang halos 40,000 manonood na nagbayad ng hanggang 1,000 Hong Kong dollars ($125) upang makita lamang ang laro ng 36-anyos na superstar.
Para sa ilan sa nationalist politicians, ang hindi paglalaro ni Messi ay isang pang-i-isnab sa China dahil ang Argentinian great ay naglaro naman ng 30-minuto para sa isang friendly game sa Japan ilang araw lamang pagkatapos ng sa Hong Kong.
Sa isang video na ipinost sa Weibo social media platform ng China, pinabulaanan ng World Cup-winning captain ang mga akusasyon na may dahilang pulitikal ang hindi niya paglalaro.
Ayon kay Messi, kung pulitika ang dahilan ay hind na sana siya bumiyahe pa patungong Hong Kong.
Aniya, “As everyone knows, I always want to play and be in every game. I have a ‘very nice and very close’ relationship with China, a country with which I had done a lot of things.”
Dagdag pa niya, “My reason for not playing was due to injury, specifically ‘inflammation of an adductor’ muscle.”
Iba’t iba naman ang naging reaksiyon ng fans sa Weibo, kung saan may mga suporta at mayroon din namang hindi.
Si Messi ay nagningning noong Hunyo nang talunin ng Argentina ang Australia sa isang friendly match sa Beijing, kung saan naka-score siya agad sa opening minutes pa lamang sa harap ng humahangang mga manonood.
Subali’t kinansela na ang friendly game para sa susunod na buwan sa pagitan ng Argentina at Nigeria na gaganapin sa Hangzhou at laban naman sa Africa champions na Ivory Coast na gagawin sa Beijing, makaraang mabigo ni Messi na maglaro sa Hong Kong.