Messi maaaring hindi makapaglaro sa Japan match
Sinabi ni Lionel Messi na bumubuti na ang kaniyang leg injury, subalit hindi makapagbigay ng garantiya ang World Cup-winning captain na ‘fit’ na siya upang maglaro sa pre-season friendly match ng Inter Miami sa Japan ngayong linggo.
Nitong nakalipas na dalawang araw ay sinigawan si Messi ng ‘boo’ ng nagalit na fans sa Hong Kong at sumigaw naman ng “refund” ang club co-owner na si David Beckham, makaraang mabigo ang “Argentina great” na maglaro para sa isang ‘sold-out’ friendly game.
Sabi ng eight-time Ballon d’Or winner na si Messi bago ang kanilang match laban sa Japanese champions na Vissel Kobe sa Miyerkoles, “I don’t know if I can (play) or not but I feel a lot better and really want to do it. This afternoon we’re going to practise, we’ll try again. I have a good feeling, compared to how I was.”
Tumitindi ang kasabikan para sa friendly match sa National Stadium sa Tokyo, kung saan napapalamutian na ng pink color ng Inter Miami ang Shibuya district ng siyudad.
Ang tiket para sa Japan leg ng US Major League Soccer (MLS) club pre-season tour ay nagkakahalaga ng nasa pagitan ng 10,000 yen ($68) at 200,000 yen ($1,346) na may “special experience” packages na higit na mas mataas ang presyo.
Fans in Hong Kong were furious after Lionel Messi sat out a friendly there on Sunday / Peter PARKS / AFP
Nagalit ang halos 40,000 katao sa Hong Kong na nagbayad ng kaparehong mataas na halaga ng mga tiket, matapos na hindi tumayo sa bench si Messi upang maglaro, kung saan nanalo sila sa score na 4-1 laban sa lokal na koponan ng XI.
Humingi ng paliwanag ang Hong Kong government mula sa organisers ng laro.
Ayon kay Messi, “It was really bad luck that I couldn’t play in Hong Kong. Unfortunately this happens in football, in any game it can happen that you can’t play.”
Aniya, “I always want to participate, I want to play, especially in these games where we travel so far and people want to see our games. I hope we can return and play a game in Hong Kong.”
Ang panalo ng Miami sa Hong Kong ang una sa kanilang five pre-season matches. Draw ang laban nila kontra El Salvador (0-0), natalo sa kapwa nila MLS side na FC Dallas at dalawa sa club sides sa Saudi Arabia.
May isa pa silang friendly match, na gaganapin naman sa Newell’s Old Boys sa Argentina sa susunod na linggo, bago ang pagsisimula ng bagong MLS season sa February 21.