Messi, most capped player sa kasaysayan ng Copa America
Naging most-capped player sa kasaysayan ng Copa America ang Argentina star na si Lionel Messi, matapos umabot sa 35 ang kaniyang appearance sa opening match ng torneo laban sa Canada.
Ang 36-anyos ay may kaparehong record sa Chilean goalkeeper na si Sergio Livingstone (na may 34 caps) simula nang lumabas sa final ng 2021 Copa America sa Brazil, kung saan nagwagi ang Argentina.
Ang appearances ni Messi ay naganap sa pitong edisyon ng Copa, simula sa 2007 tournament sa Venezuela.
Ang eight-times Ballon d’Or winner ay maaaring makapagtakda ng dagdag pang records sa kumpetisyon ngayong taon, kailangan niya ng apat na goal para mag-tie sa kababayan niyang si Norberto Mendez at kay Zizinho ng Brazil bilang “all-time Copa America scorer” na may 17 goals.
Sakali namang manalo ang Argentina sa torneo, si Messi ang magiging unang game captain na nanalo sa back-to-back tournaments.