Meta, magtatanggal ng 11,000 staff
Higit sa 11 libong mga empleyado ang aalisin ng Meta, may-ari sa Facebook na ayon sa boss nitong si Mark Zuckerberg “ay pinakamahirap na pagbabagong nangyari sa kasaysayan ng Meta.”
Aniya, ang aalisin ay kumakatawan sa 13 porsiyento ng workforce ng higanteng social media network na ang maaapektuhan ay ang kanilang research lab na nakapokus sa metaverse at maging sa apps nito, na kinabibilangan ng Facebook, Instagram at WhatsApp.
Sa kaniyang note sa staff ay sinabi ni Zuckerberg, “I want to take accountability for these decisions and for how we got here. I know this is tough for everyone, and I’m especially sorry to those impacted.”
Ang mga platform na sinusuportahan ng ad tulad ng Facebook at Google ay nagdurusa, dahil ang mga advertiser ay nagpaplanong magbawas ng gastusin ngayong sila ay nahihirapan sa inflation at pagtaas ng interest rates.
Sinabi ni Zuckerberg sa kanyang 87,000-strong staff na inaasahan niyang magpapatuloy ang paglakas ng e-commerce at online activity sa panahon ng COVID-19, ngunit nagkamali aniya siya at responsibilidad niya ito.
Ang mga hakbang ay isa ring mensahe sa Wall Street, kung saan ang mahinang performance ng kompanya ay naging sanhi upang ang halaga ng share ng Meta ay bumagsak sa 70 porsiyento mula noong simula ng taon.
Ang kumpanyang nakabase sa California ay naipit din ng desisyon ni Zuckerberg na maglaan ng bilyun-bilyong dolyar sa pagbuo ng metaverse, isang immersive version ng web na na-aaccess sa pamamagitan ng mga virtual reality headset.
Pinalitan ni Zuckerberg ng Meta ang pangalan ng kompanya noong isang taon, upang ipakita ang commitment sa proyekto, ngunit ang dibisyong nagtatrabaho sa teknolohiyang metaverse ay nawalan ng higit sa $3.5 bilyon.
Nahihirapan din ang Facebook na daigin ang TikTok na pagmamay-ari ng China, ang ngayon ay nangingibabaw na social media para sa mga mas batang user na ikinasira ng Instagram ng Meta.
Sinabi ni Mike Proulx, isang research director sa Forrester, “Meta is amidst an identity crises and that severe cost-cutting was ‘inevitable.’ The company has one foot in a risky long-term metaverse bet and another foot failing to compete with TikTok.”
Ayon kay Zuckerberg, “Fundamentally, we’re making all these changes for two reasons: our revenue outlook is lower than we expected at the beginning of this year, and we want to make sure we’re operating efficiently.”
Sa US, ang mga na-terminate na Meta employees ay makatatanggap ng apat na buwang severance pay sat dalawang linggong dagdag na bayad para sa bawat taon ng kanilang serbisyo.
© Agence France-Presse