Metro Manila, binaha dahil sa malakas na ulan kaninang umaga…..Mga pasahero, stranded
Ilang bahagi ng Metro Manila ang binaha kaninang umaga dahil sa malakas na ulan dulot ng habagat.
Sa araneta Avenue sa Quezon city, umabot sa lampas tuhod ang tubig baha at tanging malalaking sasakyan gaya ng mga 10-wheeler truck lang ang nakakadaan.
Sa Edsa northbound sa tapat ng Kampo Aguinaldo, umabot rin sa apat na talampakan ang tubig baha dahil kaya hindi makadaan ang maliliit na mga sasakyan.
Nagdulot ito ng pagka-istranded ng maraming motorista at mga pasahero.
Mag-aalas diez ng umaga nang magdeklara na walang pasok sa buong Quezon City sa lahat ng lebel dahil sa matinding traffic bunsod ng mga naistranded na mga sasakyan.
Ulat ni Meanne Corvera