Metro manila mayors walang nabuong pasya kung palalawigin ang ECQ
Walang nabuong pasya ang Metro manila mayors kung palalawigin ang umiiral na enhanced community quarantine sa Metro manila sa harap ng pagsirit ng kaso ng nagpopositibo sa COVID 19.
Sa halip sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na nagdesisyon ang labimpitong Metro mayors sa kanilang meeting na ipaubaya na lamang sa Inter agency task force ang pagdedeklara ng quarantine classification.
August 6 nang isailalim sa ECQ ang Metro manila at nakatakda nang matapos sa August 20.
Ayon kay Abalos , naninimbang rin ang mga alkalde sa epekto ng lockdown sa ekonomiya.
Pero nagkasundo ang mga alkalde na paspasan pa ang vaccination roll out kasabay ng mass testing para agad mai-solate ang mga posibleng carrier ng virus.
Meanne Corvera