Mexico nagbigay pugay sa ‘heroic’ rescue dog na namatay sa Turkey
Nagbigay pugay ang Mexico sa isang military rescue dog, na namatay habang naghahanap ng mga survivor na natabunan sa ilalim ng mga guho bunsod ng lindol sa Turkey.
Inanunsiyo ni Defense Minister Luis Cresencio Sandoval ang pagkamatay ng German shepherd na si Proteo, sa daily news conference ni President Andres Manuel Lopez Obrador.
Sa tweet naman ng militar ay nakasaad, “You accomplished your mission… thank you for your heroic work.”
Si Proteo ay isa sa higit isang dosenang rescue dogs na ipinadala ng Mexico kasama ng 130 military personnel, kasunod ng 7.8-magnitude na lindol na ikinasawi ng higit 35,000 katao sa Turkey at Syria.
Sinabi ng isang rescuer na kasama ni Proteo sa search operation, “You were always a strong, hard-working dog who never gave up. I will always remember you.”
© Agence France-Presse