Mexico, niyanig ng 7.1-magnitude na lindol
Umuga ang mga gusali sa kapitolyo ng Mexico, matapos tumama ang isang 7.1-magnitude na lindol malapit sa Pacific coast.
Ayon sa National Seismological Service (NSS), ang sentro ng lindol ay 11 kilometro (pitong milya) sa timogsilangan ng Acapulco beach resort sa estado ng Guerrero.
Ang lindol ay malakas ding naramdaman sa Mexico City, sanhi para maglabasan sa kalsada ang mga residente at mga turista mula sa kanilang tahanan at tinutuluyang hotels.
Gayunman sinabi ni Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum, na wala namang immediate reports ng serious damage sa kapitolyo.
Ayon naman kay Guerrero state governor Hector Asutudillo, wala ring napaulat na may nasaktan o may nangyaring grabeng pinsala sa Acapulco.
Dahil nasa border ng Atlantic at Pacific oceans, ang Mexico ay isa sa pinaka seismically active places sa buong mundo, kung saan nasa ibabaw ito ng limang tectonic plates na ang tatlo rito ay malalaki