Mga aabangan sa Emmy nominations
May iba kayang palabas sa TV na makapagpapabagsak sa “Succession” sa Emmys?
Dodominahin ba ito ng marangyang “Lord of the Rings” prequel ng Amazon?
At dahil sa nagpapatuloy na Hollywood strikes, magkakaroon ba ng parangal para sa pinakamamagaling sa telebisyon sa taong ito?
Ilan lamang ito sa mga bumangong katanungan, dahil ang mga nominasyon para sa katumbas ng Oscars sa telebisyon ay i-aanunsiyo na sa isang live-streamed ceremony ngayong Miyerkoles, at ang simula ng final-round ng botohan para sa 75th Emmy Awards ay pansamantalang itinakda sa Setyembre disiotso.
Hollywood’s writers are on strike, putting the Emmys in jeopardy / AFP
Sa mga normal na taon, ang pinagtatalunan ng mga pantas sa telebisyon ay kung anu-anong mga show ang mano-nominate, at hindi ang kung magkakaroon ba ng Emmys.
Ngunit ang seremonya sa taong ito ay nanganganib na dahil sa welga ng mga manunulat, na nasa ika-11 linggo na ngayon.
Ang mga nominasyon kasi ay i-aanunsyo sa parehong araw kung kailan pagpapasyahin din ng mga aktor sa Hollywood kung magwo-walk out sa kanilang trabaho, dahil sa isyu ng suweldo at iba pang kundisyon.
Ang pag-shutdown ng Screen Actors Guild (SAG) ay nangangahulugan ng pag-boycott ang mga bituin, kaya malamang na maantala ang Emmys.
Jeremy Strong is one of three stars of ‘Succession’ who could vie for the best drama actor statuette / AFP
Ayon sa Deadline awards columnist na si Pete Hammond, kung may strike ay talagang makaaapekto iyon sa Emmys.
Aniya, ito’y dahil sa kailangang magpasya ng TV Academy kung hanggang kailan pa iyon tatagal at sa anong petsa maaaring ilipat ang palabas kung sakali.
Pero, gusto ng Emmy voters ang “Succession.” Katunayan, ang HBO drama ay nakakuha na ng 48 nods, na may 13 wins kabilang ang best drama prize, ng dalawang beses.
Quinta Brunson and her ‘Abbott Elementary’ are expected to once again vie for multiple Emmy awards / AFP
Ang serye ay natapos ngayong taon sa pamamagitan ng isang final season na lubhang nagustuhan ng mga manonood, kayat inaasahang uulanin ng mga nominasyon ang cast nito mula sa voters.
Katunayan, sa Best actor in a drama pa lamang ay kabilang na sa anim na nominado ang tatlong bituin ng “Succession.” Ito ay sina Brian Cox, Jeremy Strong, at Kieran Culkin.
Ayon kay Hammond, “I would say with all the acting they have, they’re looking at 20 nominations or more, easily.’
Karamihan sa kompetisyon ay magmumula sa loob ng HBO, na ipinagmamalaki rin ang mga sikat nilang drama gaya ng “The White Lotus,” “The Last of Us” at “House of the Dragon,” na isang prequel sa “Game of Thrones.”
Ang comedy categories ay mukhang magtatampok ng mga bukas (open) at sari-saring larangan.
‘Beef’ – starring Steven Yeun and Ali Wong, seen here at the Netflix show’s premiere in March 2023 — is an Emmys contender in the limited series categories / AFP
Tinalo ng feel-good soccer show na “Ted Lasso” mula sa Apple TV+ ang kaniyang mga katunggali sa nakalipas mga taon, ngunit ang kaniyang ikatlo at posibleng final season ay hindi gaanong maganda ang pagtanggap ng mga manonood.
Ang “Abbott Elementary” ng ABC, na isang hindi karaniwang non-streaming show na ang setting ay isang struggling Philadelphia school, ay nagwagi ng tatlo mula sa pitong Emmys sa isang breakthrough debut noong 2022, at ngayong taon ay naghahangad ito ng higit pang mga pagkilala.
Nariyan din ang “The Bear.” Hindi ito isang tipikal na comedy, pero naging isang cultural phenomenon noong nakaraang summer.
Morfydd Clark stars in ‘The Lord Of The Rings: The Rings Of Power,’ which is expected to do well in technical categories for the Emmys / AFP
Sa mga nakalipas na taon, ang “limited series” category ng Emmys para sa mga palabas na may mataas na budget at star-studded din pero magwawakas na pagkatapos ng isang season, ang maaaring maging siyang pinaka-competitive.
Ngunit kapansin-pansin na isa itong “quiet, and notably dark, season” para sa prestige one-offs, na ang serial-killer at crime shows na “Dahmer — Monster: The Jeffrey Dahmer Story” at “Black Bird” ang nasa unahan.
Ang popular na “Beef” ng Netflix ay nag-aalok ng isang (medyo) mas magaan na alternatibo, sa kabila nang nakabatay ito sa isang road-rage encounter na humahantong sa isang kaguluhan.
Sa kabilang banda, bagama’t mahina ang reviews sa unang season nito, ay napahanga maging ang pinakamatitinding kritiko sa marangyang produksiyon ng prequel ng “The Lord of the Rings,” na “The Rings of Power” na talaga namang ginastusan ng malaking halaga.
Katunayan, dahil sa kabuuang isang bilyong dolyar na budget, ang prequel na ito na gawa ng Amazon ang tinaguriang pinakamahal na palabas sa telebisyon.
Ngunit kakaunting fantasy genre productions (pero hindi kasama ang “Game of Thrones,” o “Lord of the Rings” movies) sa Oscars, ang nakakukuha ng malalaking panalo sa awards shows.
Sinabi ni Hammond, “I don’t think you’re going to see it in any major categories. Competition from “House of the Dragon” could also burst its bubble.”