Mga ahensya ng Gobyerno kinastigo ng isang senador dahil sa mga maling IRR sa mga batas
Kinastigo ni Senator Francis Tolentino ang mga ahensya ng Gobyerno sa paggawa ng mga maling Implementing Rules and Regulations sa mga batas na pinagtibay ng kongreso.
Tinukoy ni tolentino, ang desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa mga kaakibat na IRR ng ilang piling batas na kumukontra mismo sa panuntunan ng tunay na nakasaad dito.
Hindi bababa sa 50 hanggang 60 na kaso ang binigyang linaw ng Korte Suprema dahil sa maling interpretasyon ng ilang government agencies sa ilang piling batas dahil sa palpak ng IRR.
Iginiit ng senador na dahil sa mga malasadong IRR, napagkaitan din umano ng pagkakataon ang mga Pilipino na matamasa ang tunay na benepisyo at karapatan na ipinagkakaloob ng mga nasabing batas.
Dagdag pa ni Tolentino, posibleng iba na ang kahulugan ng batas kung sablay ang mga IRR na nakapaloob dito.
Para maiwasan ang paglalatag ng mga IRR na posibleng mag-ligaw sa tunay na kahulugan ng batas, mungkahi ni Tolentino limitahan ang partisipasyon ng mga ahensya sa pag-buo ng mga IRR habang masusu pa ring sinusunod ang “separation of powers” sa ilalim ng 1987 Constitution.
Ayon sa mambabatas, mas maganda na payagan ang mga senador at kongresista na mapa bilang sa mga magbibigay ng suhestyon sa paglalatag ng IRR ng mga ipapasang batas kasama ang ehekutibo, gamit ang oversight functions ng Kongreso.
bahagi ng pahayag ni Senador Francis Tolentino
“It is also proposed that the succeeding laws and its corresponding IRRs be submitted to an oversight committee composed of the concerned Senate committee which prepared the bills.”
Meanne Corvera