Mga aide ni Trump hinarang ang tumpak na impormasyon sa COVID-19
Hinarang ng administrasyon ni dating US president Donald Trump ang mga opisyal pangkalusugan na magbigay ng tumpak na impormasyon tungkol sa COVID-19, upang masuportahan ang lubhang optimisko niyang pananaw sa outbreak, ayon sa isang congressional report na inilabas nitong Lunes.
Sinabi sa mga imbestigador ng Senior staff ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na binully ng mga aide ni Trump ang staff at tinangkang i-rewrite ang kanilang mga report sa hangaring mai-angkop ang mga ito sa pagbalewala ng pangulo sa krisis.
Ayon sa report, “Officials took unprecedented steps to insert political appointees into the publication process and rebut CDC’s scientific reports, including drafting op-eds and other public messaging designed to directly counteract CDC’s findings.”
Kinapanayam ng mga imbestigador ang isang dosenang kasalukuyan at dating mga opisyal ng CDC, maging ang senior administration officials para sa 91-pahinang dokumento na inilabas ng House select subcommittee on the coronavirus crisis.
Inilarawan ng panel kung paanong tinangkang i-take over ng Trump appointees sa Department of Health and Human Services (HHS) ang weekly scientific journal ng CDC na Morbidity and Mortality Weekly Report (MMWR), sa pamamagitan ng pag-edit o pagharang sa mga artikulo na sa paniwala nila ay makasisira kay Trump.
Nais ng Trump appointees na baguhin, palitan o i-delay ang pagpapalabas ng 18 MMWRs at isang health alert, na matagumpay nilang naisagawa ng hindi bababa sa limang ulit.
Binanggit pa ng report ang isang CDC communications officer na nagreklamong gumamit ng pambu-bully ang ka-alyado ni Trump sa HHS, sanhi para makaramdam ng pagbabanta ang CDC officials.
Sinabi ni Jay Butler, deputy director ng infectious diseases ng CDC, “I was not really asked back to do telebriefings after my statements were deemed too alarming. “
Ayon naman sa pahayag ng panel chairman na si Jim Clyburn, “The Select Subcommittee’s investigation has shown that the previous administration engaged in an unprecedented campaign of political interference in the federal government’s pandemic response, which undermined public health to benefit the former president’s political goals. As today’s report shows, President Trump and his top aides repeatedly attacked CDC scientists, compromised the agency’s public health guidance, and suppressed scientific reports in an effort to downplay the seriousness of the coronavirus.”
Sa isa namang naunang report ay idinetalye ang pagtatangka ng Trump administration, na harangin ang government health officials na magsalita sa publiko tungkol sa pandemya.
Sa isa naman ay inilarawan ang pressure sa US Food and Drug Administration na i-reissue ang emergency authorization para sa hydroxychloroquine, isang anti-malaria drug na ipino-proote ni Trump sa kabila ng kawalang bisa nito laban sa paggamot sa COVID-19.
Itinuring naman ng Republicans na “bias” ang huling report at nangakong magsasagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa sandaling muling manalo sa House o Senate, sa gaganaping midterm elections sa Nobyembre.
© Agence France-Presse