Mga akusasyon ng missile threat kay Johnson, pinabulaanan ng Kremlin
Ibinasura ng Kremlin at sinabing isang “kasinungalingan” ang mga akusasyon ni dating British prime minister Boris Johnson, na personal siyang pinagbantaan ni Russian President Vladimir Putin na aatakihin ng missile.
Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov, “What Mr Johnson said is not true. More precisely it’s a lie. Moreover, this is either a conscious lie — then you need to ask Mr. Johnson for what purpose he chose this version of events — Or it was unintentional and in fact he didn’t understand what President Putin was talking to him about.”
Ayon sa isang bagong BBC documentary na ipalalabas ng Lunes, ang banta ay ginawa sa isang tawag sa telepono, bago ipag-utos ng Moscow sa mga sundalo nito ang paglusob sa Ukraine noong Pebrero 2022.
Sinabi ni Peskov, “I know what was discussed during this conversation… There were no missile threats.”
Una rito ay sinabi ni Johnson na binantaan siya ni Pangulong Vladimir Putin ng isang missile attack. Aniya, “He sort of threatened me at one point and said, ‘Boris, I don’t want to hurt you, but with a missile, it would only take a minute,’ or something like that.”
Inilalarawan sa BBC documentary ang lumalalang dibisyon sa pagitan ng pinuno ng Russia at ng Kanluran, ilang taon bago pa ang pagsalakay sa Ukraine.
Nagtatampok din ito kay Zelensky na sumasalamin sa kanyang mga napigilang ambisyon na sumali sa NATO bago ang pag-atake ng Russia.
Aniya, “If you know that tomorrow Russia will occupy Ukraine, why don’t you give me something today I can stop it with? Or if you can’t give it to me, then stop it yourself.”
© Agence France-Presse