Mga alagang aso at pusa sa Caloocan City, lalagyan na ng libreng microchip

Courtesy : PIO Caloocan

Sisimulan ngayong taon ng lungsod ng Caloocan, ang paglalagay ng libreng microchip para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente, bilang pagbibigay ng proteksyon sa mga ito.

Ang microchip ay itnuturok sa ilalim ng balat ng mga alagang hayop upang mas mabilis silang mahanap o matawagan ang kanilang fur parent sakaling sila ay mawala.

Ang naturang microchip ay mas maliit sa butil ng bigas at subok na epektibo at ligtas para sa mga alaga.

Mahalaga para sa mga may-ari ng alagang aso at pusa, na maging responsable silang pet owner.

Inabisuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga taga-Caloocan, na maghintay ng susunod na mga anunsiyo tungkol sa isasagawang microchipping upang magkaroon ng gabay sa schedule at mga kakailanganing dokumento.

Manny De luna

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *