Mga alahas na may kaugnayan sa Nazi nakatakdang ipagbili sa auction
Ilulunsad ng Christie’s auction house sa susunod na linggo ang pagbebenta ng daan-daang mga alahas na pag-aari ng Austrian billionaire na si Heidi Horten, na ang asawang German businessman ay yumaman sa ilalim ng mga Nazi.
I-aalok ng Christie’s ang 700 items mula sa Horten collection, kasama ang “unique and exceptional pieces” mula sa 20th-century designers na kinabibilangan nina Cartier, Harry Winston, Bulgari at ng Van Cleef & Arpels.
Ang buong koleksiyon ay may tinatayang halaga na higit sa $150 milyon.
Maaaring lampasan ng bentahan ang mga nakaraang rekord na itinakda ng Christie sa bentahan ng mga ari-arian na pagmamay-ari ng aktres na si Elizabeth Taylor noong 2011, at ang koleksyon ng “Maharajas and Mughal Magnificence” noong 2019, na parehong lumampas sa $100 milyon.
Ayon sa auction house, nangunguna sa koleksiyon ang isang hindi pangkaraniwang Cartier ruby and diamond ring, na tumitimbang ng 25.59 carats at may isang “saturated pigeon-blood red color and fine purity.”
Sinabi ni Max Fawcett, pinuno ng jewelry sa Christie’s sa Geneva, “What makes this collection particularly remarkable is the breadth and quality of the gemstones represented. You’ll find everything from costume jewelry and one-of-a-kind haute joaillerie pieces, to historic jewels with exceptional provenance.”
Ayon sa Forbes, “Heidi Horten died last year aged 81. She was worth $2.9 billion.”
Sa isang ulat na inilathala ng mga istoryador noong Enero 2022 na kinomisyon ng Horten Foundation, nakasaad na ang kanyang asawang si Helmut Horten, na namatay sa Switzerland noong 1987, ay miyembro ng partidong Nazi bago napatalsik.
Noong 1936, tatlong taon pagkatapos mamuno ni Adolf Hitler sa Germany, kinuha ni Horten ang kumpanya ng tela na Alsberg na nakabase sa kanlurang lungsod ng Duisburg matapos tumakas ang mga Hudyo na may-ari nito.
Kalaunan ay kinuha rin niya ang ilang iba pang mga tindahan na pag-aari ng mga Hudyo bago ang digmaan.
Nakasaad sa isinulat ng mga istoryador, “How did a 27-year-old take over a major department store? Did he put the (Jewish) seller under pressure? The giant among the West German entrepreneurs remained silent about his activities in the years 1933-45. And so the image of an unscrupulous profiteer endures today.”
Pinawalang-sala ng Allied denazification committee si Helmut Horten pagkatapos ng digmaan.
Sa kanilang website ay sinabi ng Christie’s, “the business practices of Mr Horten during the Nazi era, when he purchased Jewish businesses sold under duress, are well documented.”
Ayon naman sa CEO ng Christie’s na si Guillaume Ceruttitold, “The auction house’s decision to take on the sale was made after “careful consideration.” It was never Christie’s intention to hide information about the well-documented history of Mr Horten and we have added relevant information to our sale materials and website to ensure that the facts are clear to all.”
Binigyang-diin ng auction house na ang mga kikitain mula sa pagbebenta ay mapupunta sa Heidi Horten Foundation, na itinatag noong 2021 upang suportahan ang ‘eponymous art colection,’ gayundin ang medikal na pananaliksik, kapakanan ng mga bata at iba pang philanthropic activities na sinuportahan ng mayamang tagapagmana.
Dagdag pa ng auction house, “For our part, Christie’s will make a significant contribution from its final proceeds of the auction to an organization that further advances Holocaust research and education.”
400 Horten items ang ipagbibili sa Christie’s Geneva auction house mula May 10 hanggang 12, habang ang iba pang piraso ay ibebenta naman online simula May 3 hanggang 15 at sa Nobyembre.
© Agence France-Presse