Mga anti-Covid vaccine na lulan ng lumubog na bangka sa Quezon, ligtas pa ring gamitin- DOH
Ligtas pa ring gamitin ang mga bakuna ng Covid-19 na sakay ng bangkang lumubog sa baybayin ng Barangay Ungos, Real, Quezon noong May 13.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naka-double plastic ang mga bakuna kaya hindi sila nagalaw.
Biyernes nang iulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na aksidenteng tumama sa isang konkretong poste ang service boat ng Department of Agriculture na naging dahilan ng paglubog nito.
Dalawang kahon ng bakuna ang bitbit ng mga personnel ng DOH, dalawang pulis ng Polilio Municipal station, isang boat captain at isang motorman.
Ligtas na sa ngayon ang mga nasabing indibidwal.