Mga aplikante para sa binakanteng posisyon ni dating Supreme Court Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martirez, isasalang sa public interview ng JBC ngayong araw
Nakatakdang humarap sa public interview ng Judicial and Bar Council ngayong araw ang mga aplikante para sa binakanteng pwesto ni dating Supreme Court Associate Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires.
Labing-tatlo ang mga aplikante para sa posisyon na karamihan ay mga Court of Appeals justices.
Pero walo lamang sa mga aplikante ang sasalang sa panayam ng JBC dahil valid pa ang dating interview sa limang kandidato.
Pinakauna sa haharap sa JBC ngayong umaga si Court Administrator Jose Midas Marquez.
Susundan si Marquez nina CA Associate Justices Apolinario Bruselas Jr, Rosmari Carandang at Stephen Cruz.
Sa hapon naman na public interview naka-iskdeyul sina CA Justices Edgardo delos Santos, Japar Dimaampao, Ramon Hernando at Mario Lopez.
Samantala sa botohan ng Supreme Court para sa bakanteng Associate Justice post, nakakuha ng pinakamaraming boto na tig-12 sina CA Justices Barrios at Carandang; 9 naman na boto kay CA Justice Bruselas; at may tig-walong boto sina Marquez at Justices Dimaampao at Garcia.
Ulat ni Moira Encina