Mga aplikante para sa posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema na binakante ni Chief Justice Lucas Bersamin, umabot sa 22

Kabuuang 22 ang aplikante sa posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema na binakante ni Chief Justice Lucas Bersamin noong nakaraang Nobyembre.

Batay sa listahan na inilabas ni Justice Secretary Menardo Guevarra, 15 ay kasakukuyang mahistrado ng Court of Appeals, dalawa ay Sandiganbayan justice kabilang si Presiding Justice Amparo Cabotahe-Tang at isa ay Court of Tax Appeals justice.

Mayroon din mula sa BIR, academe, private practitioner at maging si Court Administrator at SC spokesperson Jose Midas Marquez.

Ayon kay Guevarra, isasagawa ng Judicial and Bar Council ang unang deliberasyon sa Enero 31 para busisiin kung kumpleto ang lahat ng requirement ng mga nasabing aplikante para sa pwesto ng associate justice ng Korte Suprema.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *