Mga Atletang Pinoy na sasabak sa Asian Games sa China handa na ayon sa Philippine Olympic Committee

Target ng Philippine Olympic Committee o POC na higitan o mapantayan ang performance ng mga Atletang Pinoy noong 2019 Asian Games sa Indonesia sa isasagawang 2023 Asian Games sa Hangzhou China na magsisimula sa September 23 hanggang October 8 ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Tagaytay Mayor Bambol Tolentino Presidente ng Philippine Olympic Committe na noong Indonesian Asian Games ay nakaapat na gintong medalya ang Pilipinas mula sa skateboard event at golf.

Ayon sa POC sa China Asian Games ay mayroong 396 pinoy athletes ang sasabak sa ibat-ibang sports events na inaasahang aani ng gintong medalya.

Inihayag ng POC na ang pambato ng Pilipinas sa Gymnastics na si Carlos Yulo ay hindi makakasama sa China Asian Games dahil kasalukuyan siyang nagsasanay sa Belgium para paghandaan ang pagsabak sa Olympic kaya ang naiwan na inaasahang susungkit ng gintong medalya ay sina Ej Obiena sa pole vault at Hiedilyn Diaz sa Weightlifting kasama ang mga Filipino boxers, swimmers at track and field Atheletes.

Niliwanag ng POC na may dalawang kategorya ng Atleta ang isasabak ng Pilipinas sa Asian Games sa China ang group A na pinondohan ng gobyerno at group B na self funded o pinondohan ng pribadong sektor.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *