Mga babaeng OFW na may problema sa Saudi pipilitin ni Pang. Duterte na maisabay pag-uwi sa Pilipinas
Prayoridad ni Pangulong Duterte na maisabay sa pag-uwi sa Pilipinas ang pinay Overseas Filipino Workers o OFW’S na may problema sa kanilang immigration papers sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na personal na ipinakiusap ng Pangulo sa kanyang pakikipagpulong sa Minister of Labor ng Saudi government ang mga pinay OFW’S na nanunuluyan sa Bahay Kalinga sa Riyadh dahil pawang wala ng trabaho at hindi makauwi sa Pilipinas.
Ayon kay Bello sinamantala ng Pangulo ang pagkakataon dahil sa amnesty proclamation na inilabas ni Saudi Crown Prince Mohammad Bin Salman.
Magugnitang nangako si Pangulong Duterte sa kanyang departure speech na pipilitin niyang maiuwi ang mga OFW’S na matagal ng walang trabaho sa Saudi dahil may problema sa immigration law para makapiling na ang kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ulat ni: Vic Somintac