Mga bagitong Senador dapat maging diligent at magkaroon ng humility bago sumabak sa mga debate at Interpellations sa Senado
Maging Masigasig,Masipag at Mapagpakumbaba
Yan ang payo nina Outgoing Senate President Vicente Sotto at Senador Ping Lacson sa baguhang Senador na sasabak na sa kanilang trabaho sa susunod na buwan.
Kapwa sinabi nina Sotto at Lacson sa mga mambabatas na dapat pag- aralang mabuti ang rules, , makinig at mag- observe bago sumabak sa mga interpellations at mga debate sa plenaryo.
Ayon kay Lacson, kailangan ring mag research at pag- aralan ng mga Senador ang lahat ng isyu lalo na kung sasabak sa mga debate para hindi mapahiya.
Kung siya raw ang tatanungin dapat mag- observe ng hanggang apat na buwan ang mga bagitong Senador bago sumabak sa mga interpellations.
Sa pahayag ni Senador Elect Robin Padilla na makikipagdebate siya sa pamamagitan ng tagalog, sinabi ni Lacson pwede naman ito pero hindi niya maoobliga ang mga kapwa mambabatas na gumamit rin ng kaparehong lengwahe.
Ngayong araw magsisimula ang orientation ng mga bagong Senador at inaasahang dadalo sina Senador Padilla, Raffy Tulfo, Mark Villar at JV Ejercito.
Meanne Corvera