Mga bagong BSK officials , hinikayat na buhayin ang Vaccination program
Hinihikayat ng Kamara ang mga bagong halal na opisyal sa Barangay at Sangguniang Kabataan na buhayin ang kampanya para sa pagbabakuna.
Takot pa rin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Epekto na rin ito ng mga pangamba dahil sa Dengvaxia na sinasabing dahilan sa pagkamatay ng ilang mga mag-aaral na nabakunahan nito.
Dahil sa kontrobersiya ay bumaba ang bilang ng mga kabataan, lalo na ng mga sanggol na nakakatanggap ng primary vaccine gaya ng sa Diptheria, Pertusis at Tuberculosis, gayundin sa Tigdas.
Kaya naman ang Kamara umaapela sa mga bagong halal na barangay at sangguniang kabataan officials na tumulong sa Department Of Health na muling maikampanya ang mass vaccination sa mga kabataan.
Sinabi ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes NA kailangang buhayin ang vaccination program ng Gobyerno lalo’t nawala ang tiwala ng publiko dahil sa kontrobersiya sa Dengvaxia anti-dengue vaccine.
Maituturing na fully immunized ang isang bata kung nakatanggap ito ng isang dose ng Bacille Calmette Guerin o BGC, tatlong doses ng Oral Poliovirus Vaccines o OPV, tatlong doses ng Diphtheria-haemophilus Influenzae-hepatitis B o Dot-Hib-Hep B dalawang doses ng Meningococal Vaccine bago sumapit sa isang taong gulang.
Hiniling din ng mambabatas sa mga Local Government Units o LGUs na tumulong din sa pagpapaigting muli sa vaccination program ng Pamahalaan.
Vic Somintac