Mga bagong kaso ng BF.7 at iba pang Omicron subvariant naitala sa bansa
Ang Omicron parin ang nangungunang variant ng COVID- 19 na nakikita sa mga sample na isinasailalim sa genome sequencing dito sa bansa.
Sa pinakahuling sequencing na ginawa sa 137 samples mula Enero 3 hanggang 9 mayorya ng natukoy ay subvariants ng Omicron.
Sa 137 na ito, 52 ang natukoy na BA.2.3.20, may 1 BN.1, 10 BA.5 kabilang rito ang 3 BF.7 at 1 BQ.1, 28 na XBB, 13 na XBC, at 24 iba pang Omicron subvariants.
Ang BF.7 ang sinasabing dahilan ng nangyayaring surge ng COVID cases ngayon sa China.
Habang ang Ang BQ.1 na subvariant ng BA.5 ay sinasabing isa na ngayon sa nangungunang dahilan ng covid infection sa Estados Unidos at kalat na rin sa higit 60 bansa.
May isang Delta case rin ang nakita.
Sa kabila ng patuloy na detection ng mga bagong variant ng COVID- 19 sa bansa, payo ng DOH sa publiko huwag mangamba.
Bagamat mas mabilis kumalat ang Omicron variant kumpara sa iba, hindi naman ito deadly.
Madelyn Villar – Moratillo