Mga bagong kaso ng Covid-19 sa NCR mababa pa rin sa 100 – OCTA
Inihayag ng OCTA Research Group, na hanggang nitong April 25 ay nananatiling mas mababa sa 100 ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, na ang NCR ay nakapagtala ng 99 na mga bagong impeksiyon, mas mataas ng bahagya kaysa 95 impeksiyong naitala noong isang araw.
Sumunod sa NCR sa listahan ay ang lalawigan ng Cavite na may 13 kaso, Batangas at Negros Occidental na mayroong walo, at parehong anim sa Davao del Sur at Rizal.
Para sa local government units sa NCR, ang Makati City ay nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso na nasa 17, sinundan ng Maynila na may 16, Quezon City na may 14 at Caloocan City na mayroong walo.
Nitong Lunes, ang Department of Health ay nakapag-ulat ng 213 bagong Covid-19 infections, kaya’t ang kabuuang tally na ng active cases ay 12,639.