Mga bagong kaso ng kanser tataas ng 77% sa 2050 ayon sa WHO
Nagbabala ang cancer agency ng World Health Organization (WHO), na ang bilang ng mga bagong kaso ng kanser ay tataas ng mahigit sa 35 milyon sa 2050, mas mataas ng 77% kaysa bilang noong 2022.
Tinukoy ng International Agency for Research on Cancer (IARC) ng WHO, ang tabako, alak, labis na katabaan o obesity at polusyon sa hangin na mga pangunahing sanhi sa tinatayang magiging pagtaas.
Sa isa nilang pahayag ay nakasaad, “Over 35 million new cancer cases are predicted in 2050, a 77-percent increase from the some 20 million cases diagnosed in 2022.”
Dagdag pa sa pahayag, “The rapidly-growing global cancer burden reflects both population ageing and growth, as well as changes to people’s exposure to risk factors, several of which are associated with socioeconomic development. Tobacco, alcohol and obesity are key factors behind the increasing incidence of cancer, with air pollution still a key driver of environmental risk factors.”
Sinabi ng WHO, na ang pinakamauunlad na mga bansa ang inaasahang makapagtatala ng pinakamalaking pagtaas sa bilang ng mga kaso, na hinuhulaang magkakaroon ng karagdagang 4.8 milyong mga bagong kaso sa 2050 kumpara sa tinaya noong 2022.
Ngunit sa mga tuntunin ng mga porsyento, ang mga bansa sa mababang dulo ng Human Development Index (HDI) na ginagamit ng UN, ang kinakikitaan ng pinakamalaking proporsyonal na pagtaas ng hanggang 142 porsyento.
At ang mga bansang nasa medium range ay nakatakda namang makapagtala ng isang 99-percent increase.
Ayon pa sa WHO, “Likewise, cancer mortality in these countries is projected to almost double in 2050.”
Sinabi naman ni Freddie Bray, pinuno ng cancer surveillance branch sa IARC, “The impact of this increase will not be felt evenly across countries of different HDI levels. Those who have the fewest resources to manage their cancer burdens will bear the brunt of the global cancer burden.”