Mga bagong kaso ng Omicron sub variants, naitala ng DOH
Patuloy paring nadadagdagan ang bilang ng mga bagong kaso ng Omicron subvariants sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, may 60 bagong kaso ng BA.5 ang natukoy batay sa pinakahuling genome sequencing.
Ang 58 rito ay mula sa Region 6, tag iisa naman sa Region 11 at Region 12.
Ang isa rito ay hindi pa bakunado habang bineberipika naman vaccination status ng 59 na iba pa.
Ang 1 rito ay nakaranas ng mild symptoms habang bineberipika ang 59 na iba pa.
43 rito ang nakarekober na, 14 ang naka isolate pa, habang bineberipika ang 3 iba pa.
Sa kabuuan may 293 kaso na ng BA.5 sa bansa.
May 17 bagong kaso ng BA.2.12.1 naman ang nadagdag sa bansa, 6 rito rito ay mula sa Region 6, 10 sa Region 11, at 1 ang ROF.
2 sa kanila ang nakitaan ng mild symptoms, 1 ang severe, 1 ang asymptomatic, habang bineberipika naman ang 13 na iba pa.
Ang 15 sa kanila ay nakarekober na habang naka isolate naman ang 2 iba pa.
Sa kabuuan, may 87 na kaso na ng BA.2.12.1 sa bansa.
May 2 bagong kaso naman ng BA.4 ang nadagdag na mula sa Region 11 at 12 are lahat sila ay nakarekober na.
Sa kabuuan umabot na sa 12 ang kaso ng BA.4 sa bansa.
Madelyn Villar -Moratillo