Mga bagong opisyal ng Philippine Judges Association, nanumpa sa puwesto
Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang panunumpa sa puwesto ng mga bagong opisyal ng Philippine Judges Association.
Isinagawa ang oath-taking ng mga national officers ng PJA sa Session Hall ng Supreme Court.
Kabuuang 15 PJA national officers para sa taong 2022-2023 ang nanumpa sa posisyon.
Si Judge Danilo Cruz ang nahalal na PJA President.
Ang mga regional directors at deputies naman ay dumalo sa panunumpa sa pamamagitan ng Zoom.
Ang PJA ang tanging samahan ng mga regional trial court judges na kinikilalan ng Korte Suprema.
Layon nito na mapagkaisa ang lahat ng hukom ng RTCs, Sharia District Courts, at lahat ng kaparehong korte at mapanatili ang integridad at kasarinlan ng hudikatura.
Ang PJA officers para sa 2022-2023 ay ang mga sumusunod:
Judge Danilo S. Cruz, President;
Judge Byron G. San Pedro, Executive Vice President;
Judge Acerey C. Pacheco, Senior Vice President;
Judge Gener M. Gito, VP-Administration;
Judge Maria Paz R. Reyes-Yson, VP–External Affairs;
Judge Caridad V. Galvez, VP–Internal Affairs; Judge Teresa E. De Guzman-Alvarez, VP– Finance;
Judge Pablo C. Formaran III, VP–Legal Affairs; Judge Lily Lydia A. Laquindanum, VP–Research and Judicial Education;
Judge Mia Joy O. Oallares-Cawed, VP–Special Projects;
Judge Elisa R. Sarmiento-Flores, Secretary General;
Judge Hannah Cynara L. Cayton, Treasurer; Judge Mary Charlene V. Hernandez-Azura, Auditor;
Judge Pia Cristina B. Bersamin- Embuscado, Public Relations Officer; at
Judge Tarcelo A. Sabarre, Jr., Business Manager.
Moira Encina