Mga bagong proyekto sa ilalim ng Build-Better-More program inaprubahan na ng NEDA Board
Aprubado na ng National Economic Development Authority (NEDA) Board, ang 23 bagong infrastructure Flagship Projects (IFPs) sa ilalim ng Build-Better-More Program kabilang ang Davao City Bypass Construction.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), na ang 23 bagong proyekto ay idinagdag sa listahan ng IFP dahil nakasunod ito sa mga itinakdang pamantayan kabilang ang pagiging consistent at pag-aambag sa mga layunin at prayoridad ng pambansang kaunlaran; naka-endorso sa Public Investment Program (PIP) at Three-Year Rolling Infrastructure Program (TRIP) sa pamamagitan ng PIP Online System; at may TPC na hindi bababa sa P2.5 bilyon
Inalis naman ang 36 na mga proyekto na ang kabuuang project cost ay mas mababa sa P2.5 billion; wala sa top priority sa implementasyon ng budget proposal ng ahensiya, hindi inendorso sa PIP at TRIP; walang mahalagang pogreso sa kanilang implementasyon noong 2023, ikinukonsidera bilang regular programs ng implementing agency, at pinopondohan lamang ng private business.
Pagkatapos ng 14th NEDA Board meeting sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, “This brings our total IFPs to185.”
Ayon sa PCO, dahil sa mga pagbabago, ang indicative total cost ay tumaas sa P9,143.16 billion mula sa P8,776.04 billion.
Sa kabuuang gugol, 81 ay pinopondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA), 51 sa pamamagitan ng General Appropriations Act, 45 sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPPs), at pito ay sa pamamagitan ng hybrid financing modalities.
Ang gugol ng isang proyekto ay hindi pa nadedetermina.
Ayon kay Socioeconomic Planning Undersecretary Joseph Capuno, “The IFPs are game changing transformative and urgently needed infrastructure projects of national significance that aim to showcase the overall Build-Better-More Program of the administration.”