Mga bagong variant ng Omicron na XBB.1.5 at CH.1.1 nakapasok narin sa bansa ayon sa DOH
Kinumpirma ng Department of Health na nakapasok narin sa Pilipinas ang mga bagong variant ng Omicron na XBB.1.5 at CH.1.1
Ayon sa World Health Organization ang XBB.1.5 ay sinasabing pinakamabilis makahawa sa lahat ng natukoy na subvariant.
Ang European Center for Disease Prevention and Control tinukoy naman ang XBB.1.5 bilang variant of interest.
Ang CH.1.1 naman ay unang natukoy sa India noong Hulyo ng nakaraang taon at kalat na sa higit 60 bansa.
Sa ngayon ito ay ikinukunsidera ng ECDC bilang variant under monitoring palang.
Ayon sa DOH ang XBB.1.5 is a sublineage of XBB habang ang CH.1.1 ay sublineage naman ng BA.2.75.
Sa datos ng DOH, sa 1,078 samples na isinailalim sa genome sequencing mula Enero 30 hanggang Pebrero 3, may 196 XBB ang natukoy kabilang na rito ang 1 kaso ng XBB.1.5.
Habang may 7 BA.2.75 ang natukoy kabilang rito ang 3 kaso ng CH.1.1.
Ang XBB cases na ito, natukoy sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Region 8 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Habang ang BA.2.75 cases na ito na pawang local cases ay mula sa Regions 2, 4A, 4B, 11, at NCR.
Sa datos ng DOH, maliban sa mga nabanggit, nadagdagan rin ang mga kaso ng iba pang omicron subvariants sa bansa.
Sa kabila ng mga bagong subvariants na nakapasok sa bansa.
Nilinaw ng DOH na walang dapat ipangamba ang publiko dahil nananatili parin namang manageable ang COVID-19 cases sa bansa.
Sa datos ng DOH sa sa hospital admission sa bansa, 19.6% lang ng non ICU beds ang okupado, habang sa ICU beds naman ay 14.2% lang.
Madelyn Villar- Moratillo