Mga bahay sa isang nayon sa Iceland, nilamon ng lava ng bulkan
Nilamon ng lava mula sa isang bulkan na pumutok nitong Linggo malapit sa Icelandic fishing port ng Grindavik, ang hindi bababa sa tatlong bahay ilang oras lamang makaraang lumikas ng mga residente sa mas ligtas na lugar.
Iyon na ang ika-limang pagsabog ng bulkan sa naturang North Atlantic nation, sa loob ng wala pang tatlong taon.
Ang pinakahuli ay ilang linggo pa lamang ang nakalilipas noong December 18 sa kaparehong rehiyon, timog-kanluran ng kapitolyo na Reykjavik.
Hindi bababa sa tatlong bahay ang nilamon ng apoy habang dumadaloy ang lava sa gilid ng bayan ng Grindavik, na ang live images ay nakita sa broadcast ng public television na RUV.
Lava explosions and billowing smoke are seen near residential buildings in the southwestern Icelandic town of Grindavik after a volcanic eruption on January 14, 2024. Seismic activity had intensified overnight and residents of Grindavik were evacuated, Icelandic public broadcaster RUV reported. This is Iceland’s fifth volcanic eruption in two years, the previous one occurring on December 18, 2023 in the same region southwest of the capital Reykjavik. Iceland is home to 33 active volcano systems, the highest number in Europe. (Photo by Halldor KOLBEINS / AFP)
Sinabi ng isang lokal na residente na si Sveinn Ari Gudjonsson, “In a little village like this one, we’re like a family, we all know each other as family — it’s tragic seeing this. It’s unreal, it’s like watching a film.”
Karamihan sa 4,000-strong population ng Grindavik ay inilikas bilang pag-iingat noong November 11, makaraang sabihin ng mga siyentipiko na ang magma dyke ay lumilipat sa ilalim nila.
Nang mga panahong iyon, ang isang serye ng maliliit na mga paglindol na minsan ay daan-daan bawat araw, ay lumikha ng malaking mga bitak sa mga kalsada, mga tahanan at mga gusali.
Nitong Linggo, ang unang pagsabog ay nangyari alas-8:00 ng umaga (local time), nang ang isang bitak sa lupa na humigit-kumulang 450 metro o 500 yarda ay bumuka.
Pagdating ng ala-6:45 ng gabi (local time) ay sinabi ng Icelandic Metereological Office (IMO), na ang fissure na may sukat na humigit-kumulang 900 metro ang haba, at tumawid na sa main road patungo sa Grindavik.
A helicopter flies nea lava explosions and smoke near residential buildings in the southwestern Icelandic town of Grindavik after a volcanic eruption on January 14, 2024. Seismic activity had intensified overnight and residents of Grindavik were evacuated, Icelandic public broadcaster RUV reported. This is Iceland’s fifth volcanic eruption in two years, the previous one occurring on December 18, 2023 in the same region southwest of the capital Reykjavik. Iceland is home to 33 active volcano systems, the highest number in Europe. (Photo by Halldor KOLBEINS / AFP)
Nang bandang tanghali ay bumuka na rin ang isa pang fissure sa gilid ng bayan, at nilamon ang mga bahay. Ang sukat nito ay umabot na sa humigit kumulang 100 metro pagdating ng gabi, ayon sa IMO.
Sa buong maghapon ay nagkaroon ng pagbulwak ng orange lava at mga usok mula sa dalawang bitak.
Ang pagsabog ay naging sanhi ng pagkawala ng kuryente at hot and cold water sa Grindavik, ayon sa mga awtoridad, subalit ang biyahe ng mga eroplano ay hindi naman naapektuhan.
Aerial view taken on January 14, 2024 shows flowing lava close to houses of the southwestern Icelandic town of Grindavik after a volcaninc eruption. Seismic activity had intensified overnight and residents of Grindavik were evacuated, Icelandic public broadcaster RUV reported. This is Iceland’s fifth volcanic eruption in two years, the previous one occurring on December 18, 2023 in the same region southwest of the capital Reykjavik. Iceland is home to 33 active volcano systems, the highest number in Europe. (Photo by Halldor KOLBEINS / AFP)
Sa isang press conference, ay tinawag ni Prime Minister Katrin Jakobsdottir ang araw ng Linggo na isang “black day for Grindavik and for all of Iceland. But the sun will come up again.”
Ayon naman sa pinuno ng Civil Protection and Emergency Management ng Iceland na si Vidir Reynisson, ang nangyaring pagsabog “is the most serious threat posed by a volcanic eruption in Iceland since January 1973.”
Noong panahong iyon, isang fissure ang pumutok 150 metro lamang ang layo mula sa town centre ng Heimaey sa Vestmann Islands, na gumulat sa mga residente pagsapit ng madaling araw.
Nasa 1/3 ng mga bahay ang nasira at 5,300 mga residente ang inilikas. Isa ang namatay.
Aerial view taken on January 14, 2024 shows emergency personnel using diggers to build a protective wall trying to prevent flowing lava to reach the centre of the southwestern Icelandic town of Grindavik after a volcaninc eruption. Seismic activity had intensified overnight and residents of Grindavik were evacuated, Icelandic public broadcaster RUV reported. This is Iceland’s fifth volcanic eruption in two years, the previous one occurring on December 18, 2023 in the same region southwest of the capital Reykjavik. Iceland is home to 33 active volcano systems, the highest number in Europe. (Photo by Halldor KOLBEINS / AFP)
Sa isang hindi karaniwang ‘address to the nation,’ ay sinabi ni Icelandic President Gudni Johannesson, “ I hope the situation would calm down, but anything can happen.”
Sa harap naman ng kawalang katiyakang kinakaharap ng bayan, ay hinimok niya ang mga mamamayan ng Iceland, “stand together and have compassion for those who cannot be in their homes.”
Ilang sandali matapos ang December 18 eruption, ay pansumandaling pinayagan ang mga residente ng Grindavik na bumalik sa kanilang mga tahanan.
At noong December 23 ay pinayagan na silang tuluyang umuwi nang permanente, ngunit iilan lamang ang piniling bumalik sa kanilang mga bahay.
Bandang hapon o gabi noong Sabado, ay muling ipinag-utos ng mga awtoridad ang isang emergency evacuation na tatapusin ngayong Lunes, dahil sa dumadalas na seismic activity at epekto nito sa malalaking bitak sa bayan.
Noong Miyerkoles, isang 51-anyos na Icelandic workman na nagkukumpuni ng isang bitak sa isang residential garden, ang nawala nang bigla na lamang lumubog ang lupa na tinutuntungan niya.
Nahulog ang lalaki sa lalim na mahigit 30 metro. Ang masusing paghahanap upang makita siya ay inihinto na noong Biyernes, dahil ang lugar ay lubha nang mapanganib.
Pinaigting naman ng mga awtoridad ang evacuation order sa magdamag nang tumindi pa ang seismic activity.
Picture taken on January 14, 2024 on a road linking Reykjavik and Grindavik, Iceland shows spraying lava and smoke billowing over the landscape during a volcanic eruption north of the southwestern Icelandic town of Grindavik. Seismic activity had intensified overnight and residents of Grindavik were evacuated, Icelandic public broadcaster RUV reported. This is Iceland’s fifth volcanic eruption in two years, the previous one occurring on December 18, 2023 in the same region southwest of the capital Reykjavik. Iceland is home to 33 active volcano systems, the highest number in Europe. (Photo by Halldor KOLBEINS / AFP)
Mahigpit na binabantayan ng mga opisyal ang kalapit na Svartsengi geothermal plant, na siyang nagkakaloob ng elektrisidad at tubig sa 30,000 mga residente ng Reykjanes peninsula.
Simula pa noong Nobyembre ay gumagawa na ng pader ang mga manggagawa, upang protektahan ang pasilidad.
Hanggang noong March 2021, ang Reykjanes peninsula ay hindi na nakaranas ng pagsabog ng bulkan sa loob ng walong siglo.
Ang mga bagong pagsabog ay nangyari noong August 2022, at July at December 2023, na nagbunsod upang sabihin ng mga volcanologist, na malamang na simula na ito ng isang panibagong panahon ng aktibidad sa rehiyon.
Apat na araw makaraan ang December 18 eruption, sinabi ng mga awtoridad na tumigil na ang volcanic activity ngunit hindi nila maideklarang tapos na ang pagsabog, dahil may posibilidad pa rin ng isang underground lava flow.
Ang Iceland ay tahanan ng 33 aktibong volcano systems, ang pinakamataas sa Europe.