Mga bakanteng pwesto sa PNP, pinapupunan sa bagong PNP Chief

Hinamon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recoto si Incoming PNP Chief Oscar Albayalde na gawing unang misyon ang pagpuno sa 26,000 police vacancy sa Philippine National Police.

Ayon kay Recto, sa tala ay umaakyat ang populasyon ng bansa ng 1.67 million kaya’t marapat lamang na madagdagan din ang mga magbabantay sa seguridad.

Giit ng Senador, para matupad ang tamang ratio na 1:500 cop-to-population ratio, dapat ay makapagdagdag ng 3,340 Pulis kada taon.

Pahayag ni Recto, sa ngayon wala na aniyang pulis na makikita sa ilalim ng mga tulay, flyover o underpass o mga delikadong lugar

Isa sa mga nakikitang paraan ni Recto ay ang pagsasagawa ng Recruiting spree sa pamamagitan ng pag-engganyo gamit ang mas mataas na base-pay ng entry level Policeman na nasa 29,668 piso.

Senador Recto:

“If all of these positions are filled, and distributed equally to the country’s 1,489 municipalities, each will have an additional 17 policemen. If 20 percent of the slots will be allotted to cities, each will receive 35 more policemen”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *