Mga bakuna laban sa Covid-19, nagpakita ng high efficacy laban sa severe Omicron
Lumitaw sa isinagawang pag-aaral ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na ang Covid-19 vaccines at boosters ay patuloy na nagtataglay ng “very high efficacy” laban sa severe Omicron.
Nagsagawa ng ebalwasyon sa datos mula sa higit 300,000 visitations sa emergency deparments, urgent care clinics, at hospitalizations sa magkabilang panig ng 10 estado mula Aug. 26, 2021 hanggang Jan. 5, 2022.
Sa nabanggit na panahon, noong dominante pa ang Delta variant, ang vaccine efficacy laban sa Covid-19 hospitalization ay 90% sa pagitan ng 14-179 days makaraan ang 2nd dose ng bakuna, bumaba ito sa 81% higit 180 araw makaraan ang 2nd dose, at umakyat naman ng 94%, 14 na araw o higit pa pagkatapos ng 3rd dose o booster shot.
Matapos namang maging dominante ang Omicron variant, ang vaccine efficacy laban sa hospitalization ay tinatayang nasa 81% sa pagitan ng 14-179 days makaraan ang 2nd dose, 57% makalipas ang higit 180 araw mula sa 2nd dose, at 90%, 14 o higit pang araw makalipas ang 3rd dose.
Base naman sa datos mula sa 25 US state at local jurisdictions, ang bisa ng bakuna laban sa impeksiyon ay humina mula sa 93% bago dumating ang Delta sa halos 80% nang maging dominante ang Delta, subali’t ang proteksyon laban sa pagkamatay ay namamalaging matatag sa 94%.